Kasama ang Pandayan

Kasama ang Pandayan

Gusto ko lamang pong ibahagi ang aking mahalagang naipundar sa tulong na rin Pandayan. Nitong nakaraang linggo ay nakatapos na pagbabayad ng 100sqm na aming hinuhulugan lupa katulong ang aking fiancè. Dahil dito ay maaari na namin itong tayuan ng aming simpleng bahay na panimula sa aming bubuuing sariling pamilya. Marahil para sa iba ay maliit lamang ito ngunit sa amin ay napakalaking tagumpay na ito sa hakbang sa pagtupad ng aming mga pangarap.
Napakasarap isipin na ako ay nasa kompanya na may pangarap para sa kanilang mga empleyado. Isang kompanya na tutulungan at gagabayan ka sa pag-abot ng mga pangarap natin sa buhay. Basta sabayan lang natin ito na disiplina, pagmamahal sa trabaho at sa walang sawang paggawa ng tama ay sigurado na makakamit natin ito. Alam ko na marami pa tayong pagdadaanan sa pagtupad ng ating mga pangarap ngunit hindi ako nangagamba dito dahil kasama ko ang Pandayan sa pag-abot nito.